Popular Posts

Tuesday, August 9, 2011

ANG AGILA AT ANG MAYA


Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak.

Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.

"Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon.

"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?"

Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.

"Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila.

Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.

"Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw naman ay bulak."

Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.

"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya.

"Aba oo, payag na payag ako."

"Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya.

Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata.

At sisimulan nga nila ang paligsahan.

Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.

Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.

Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.


MENSAHE:
 
Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.

ANG PANGIT NA INAKAY

Tag-araw sa bukid.Isang pangit na inakay ang napisa mula sa isa sa mga itlog ng inahing pato.

"Sisiw ng pabo'yan," anang isa sa mga pato sa bukid.Ngunit sa ilog,ipinakita ng pangit na inakay ang kanyang galing sa paglanggoy.Nagpasya ang inahing pato na hindi sisiw ang pangit na inakay.


Ngunit naging malupit sa pangit na inakay ang ibang hayop sa kamalig,kaya nagpasya ang pangit na inakay na umalis na lamang.Napadpad ang pangit na inakay sa isang latian. Niyaya siya ng dalawang ligaw na gansa na lumipad, ngunit nabaril ang mga ito ng mangangaso.

Nilisan ng pangit na inakay ang latian.Narating niya ang kubo ng isang aleng may alagang inahing manok at pusa.

Dahil nais ng inahin na mangitlog siya at gusto naman ng pusa na magmiyaw siya,umalis na lamang ang pangit na inakay.Bumalik ang pangit na inakay sa latian.
Nakakita siya ng isang kawan ng naggandahan at puting-puting ibon.Ibinuka ng mga ibon ang mga pakpak at lumipad.Dumating ang taglamig.Nilukuban ng yelo ang pangit na inakay.Isang dumaraang magsasaka ang sumagip sa kanya at iniuwi siya sa bahay.

Nang mahimasmasan ang pangit na inakay ay hinabol siya ng mga anak ng magsasaka.Sa takot na baka saktan siya ay kumaripas siya ng takbo palabas ng bahay.Walang ibang mapuntahan ang pangit na inakay kundi ang latian-at ang malupit na taglamig.

Sa wakas,sumikat din ang araw.Dumating na ang tagsibol.Ibinuka ng pangit na inakay ang kanyang mga pakpak at nagpanto niyang nakakalipad na siya!Dumapo ang pangit na sisiw sa lawa ng isang maringal na hardin.Doon ay nakita niya uli ang mga puting ibon na may mahahagway na leeg.

Mga sisne!Hinihintay niyang tukain at saktan siya ng mga sisne dahil sa kanyang kapangitan...Ngunit nang tumingin siya sa tubig ay nasalamin niya roon ang kanyang anyo.
Siya rin ay isa nang napakagandang puting sisne!Naalala ng dating pangit na inakay ang mga panlilibak sa kanya.

Kung hindi sa mga hirap na dinanas niya ay hindi niya mapapahalagan ang kanyang kapalaran at magandang anyo.

ARAL NG KWENTO:




Sa bawat pagsubok ay may katapat na gantimpala.


ANG ASO AT ANG PUSA

Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas.

Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapag-aalis ng kanyang bikig. Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.

Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng Pusa ang kaniyang ulo hanggang sa liig ng aso upang alisin ang bikig.

Pagkabunot ng bikig, ang Pusa ay nagsalita.

“Ibigay mo na ang aking gantimpala.”

Umangil ang Aso. Inilabas niya ang matatalim na pangil. “Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi ka napahamak”, wika ng Aso na wari pang nanunumbat.

ARAL:

Tuparin ang anumang ipinangako upang makuha ang tiwala ng iba.