Popular Posts

Friday, March 9, 2012

ANG SALBAHENG LOBO

Isang araw, may isang lobo na pumunta sa bukid ni Mang Isko. Nakita ni Mang Isko ang lobo, nabaitan siya dito dahil hindi man lang hinabol ng lobo ang mga alaga niyang tupa. Sa halip, binabantayan pa ng lobo ang mga tupa.

Minsan, pupunta si Mang Isko sa bayan. Bibili siya ng pagkain. Kinausap niya ang lobo na bantayan nito ang mga alagang tupa.

Pagbalik ni Mang Isko, siya ay nagulat sa nakita. Patay ang tatlong tupa na kanyang alaga at wala rin sa paligid ang lobo.

Nasabi nalang niya sa sarili na “isang masamang hayop ang lobo at hindi ito mapagkakatiwalaan.”

Aral: Mag-ingat at huwag basta-basta magtitiwala sa hindi batid na husto ang ugali.

ANG MAYABANG NA PAGONG

Isang araw, isang pagong (turtle) ang naghihingalo dahil sa labis na gutom at uhaw. Dalawang ibon ang nakakita sa pagong na iyon. Tinulungan siya ng mga ibon na kumuha ng isang kahoy. Hinawakan nila ang kahoy sa magkabilang dulo gamit ang

kanilang tuka. Nakasabit sa gitna ng kahoy ang pagong, gamit naman ang kanyang bibig. Inilipad siya ng dalawang ibon na ito upang dalhin siya sa ligtas na lugar. Nasa himpapawid sila ng marinig nila ang usapan ng mga taong nag-uusyoso. “Tingnan ninyo! Kamangha-mangha ang mga ibon! Hila-hila nila ang isang pagong.”

Ibig magyabang ng pagong at nais niyang magpasikat sa mga tao. “Kumusta na kayo?” sigaw niya.

Dahil sa pagsasalita niya at pagbuka ng kanyang bibig, ang pagong ay nahulog.

Aral : Pagisipang mabuti bago gumawa ng hakbang.

ANG USA AT ANG ASO

Isang araw, may isang mangangaso na nakahuli ng batang usa. Ito ay dinala niya sa kanyang bahay. Sinalubong siya ng kanyang mga alagang aso. Pagalit na itinaboy ng mangangaso ang kanyang mga alaga. Sinabi niya sa sarili n asana ay maturuan niya ang usa upang sumunod ditto ang magugulo niyang mga aso.

Lumaki ang usa at nagging kaibigan niya ang mga aso.

Isang araw, lumabas ng bakuran ang usa. Maraming mga ligaw na aso ang nagkalat sa kalsada. Pinuntahan ng usa ang mapanganib na mga aso at sinubukan niyang makipaglaro sa mga ito. Nagulat ang mga aso sa ikinilos ng usa. Bigla siyang sinunggaban ng mga ito.

Nag isip-isip ang naghihingalong usa, naisip niya kung bakit kailangang humantong sa kanyang wakas ang pakikipag kaibigan sa mga aso.

Aral: Piliin ang dapat maging kaibigan.

ANG MAYABANG NA TIPAKLONG AT ANG MASINOP NA LANGGAM

Ang langgam ang pinakamasinop na insekto. Hindi siya tumitigil sa paghahanap ng pagkain para sa panahon ng tag-ulan.

Ang mayabang na tipaklong naman ay pakanta kanta lang. Panay ang pamamasyal. Kung pagod na siya ay matutulog na siya. Nang dumating ang tag-ulan, walang naipong pagkain ang tipaklong.

Humingi ng pagkain ang tipaklong sa langgam, nagdahilan siya na mayroon siyang sakit. Pinagsabihan ni langgam si tipaklong. “Iyan ang sinasabi ko sa’yo. Hindi ka nag-ipon ng makakain noong tag-araw. Tapos ngayon, hihingi ka sa akin. O sige, bibigyan kita ngayon, pero sa susunod ay hindi na”.

Tinanggap ni tipaklong ang pagkain kahit nahihiya siya kay langgam. Nangako siya sa sarili na magiging masinop na rin siya para mapaghandaan ang tag-ulan.

Aral: kailangang maging masinop.. kung may itinago, may may madudukot

ANG PALAKA AT ANG KALABAW

“Masaya ako sa buhay natin, hindi tayo kinakapos at hindi rin tayo sumasala sa oras” wika ni palaka.

“Hayaan mo at lalo akong magsisikap. Alam mo naming sa bayan ng mga palaka ay ako ang pinakamagaling at hinahangaan” ang mayabang na wika ng amang palaka.

Biglang dumating ang kanilang mga anak galing sa paglalaro, “ama, ina may nakita kaming higante!” humihingal na balita ng panganay. “Ano ang itsura?” usisa ng ama. “maitim po at may sungay! Kahanga-hanha po siya!” sabay-sabay na wika ng lima.

Hindi makapayag ang amang palaka na may higit pa sa kanya. “Ipakikita ko sa inyo kung sino ang higante sa amin”. Agad nitong pinalaki ang katawan. “Ganito ba siya kalaki?” Malaki pa po diyan”, sagot ng lima. Huminga ng malalim ang ama. Humigop siya ng humigop ng hangin ngunit mas malaki pa rin daw ang higanteng nakita ng kanyang mga anak. Hindi siya tumigil nang kahihigop ng hangin hanggang tuluyan siyang sumabog at namatay.

Aral : Ang labis na tiwala sa sarili, walang hahantungang mabuti.

Tuesday, August 9, 2011

ANG AGILA AT ANG MAYA


Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak.

Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.

"Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon.

"Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?"

Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.

"Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila.

Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.

"Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw naman ay bulak."

Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.

"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya.

"Aba oo, payag na payag ako."

"Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya.

Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata.

At sisimulan nga nila ang paligsahan.

Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.

Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.

Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.


MENSAHE:
 
Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.

ANG PANGIT NA INAKAY

Tag-araw sa bukid.Isang pangit na inakay ang napisa mula sa isa sa mga itlog ng inahing pato.

"Sisiw ng pabo'yan," anang isa sa mga pato sa bukid.Ngunit sa ilog,ipinakita ng pangit na inakay ang kanyang galing sa paglanggoy.Nagpasya ang inahing pato na hindi sisiw ang pangit na inakay.


Ngunit naging malupit sa pangit na inakay ang ibang hayop sa kamalig,kaya nagpasya ang pangit na inakay na umalis na lamang.Napadpad ang pangit na inakay sa isang latian. Niyaya siya ng dalawang ligaw na gansa na lumipad, ngunit nabaril ang mga ito ng mangangaso.

Nilisan ng pangit na inakay ang latian.Narating niya ang kubo ng isang aleng may alagang inahing manok at pusa.

Dahil nais ng inahin na mangitlog siya at gusto naman ng pusa na magmiyaw siya,umalis na lamang ang pangit na inakay.Bumalik ang pangit na inakay sa latian.
Nakakita siya ng isang kawan ng naggandahan at puting-puting ibon.Ibinuka ng mga ibon ang mga pakpak at lumipad.Dumating ang taglamig.Nilukuban ng yelo ang pangit na inakay.Isang dumaraang magsasaka ang sumagip sa kanya at iniuwi siya sa bahay.

Nang mahimasmasan ang pangit na inakay ay hinabol siya ng mga anak ng magsasaka.Sa takot na baka saktan siya ay kumaripas siya ng takbo palabas ng bahay.Walang ibang mapuntahan ang pangit na inakay kundi ang latian-at ang malupit na taglamig.

Sa wakas,sumikat din ang araw.Dumating na ang tagsibol.Ibinuka ng pangit na inakay ang kanyang mga pakpak at nagpanto niyang nakakalipad na siya!Dumapo ang pangit na sisiw sa lawa ng isang maringal na hardin.Doon ay nakita niya uli ang mga puting ibon na may mahahagway na leeg.

Mga sisne!Hinihintay niyang tukain at saktan siya ng mga sisne dahil sa kanyang kapangitan...Ngunit nang tumingin siya sa tubig ay nasalamin niya roon ang kanyang anyo.
Siya rin ay isa nang napakagandang puting sisne!Naalala ng dating pangit na inakay ang mga panlilibak sa kanya.

Kung hindi sa mga hirap na dinanas niya ay hindi niya mapapahalagan ang kanyang kapalaran at magandang anyo.

ARAL NG KWENTO:




Sa bawat pagsubok ay may katapat na gantimpala.